Isa
sa mga isyu ng ating bansa ngayon ay ang tungkol sa pagpasa sa RH Bill. Marami sa
ating mga kababayan ang anti-RH Bill
ngunit marami ding mga pro-RH bill. Para sa akin, inaamin kong ako ay sumasang-ayon na ipasa ang RH Bill. Napakarami
na ang mga opinyon tungkol sa RH Bill at maaaring ang sanaysay na ito’y isa
lamang sa mga bumubuo ngayon pero sa totoo lang, nagagalak ako dahil maraming
tao na ang nakakapansin at nag-uusap tungkol sa paksang ito kaya nagaganahan na
akong ibahagi naman ang opinyon ko ukol dito. Kaya narito na ang mga detalye kung bakit sang-ayon ako sa RH Bill.
Ang
pagpasa sa RH Bill ay hindi ibig sabihin na pinupwersa nito ang mga tao upang
gamitin ang condom o ang iba’t ibang mga kagamitan sa pagpipigil sa
pagbubuntis. Pinoprotektahan lamang ng RH Bill ang karapatan ng mga tao sa
pangangalaga ng kanilang kalusugan at ipinagtatanggol nito ang karapatang
pantao sa pamamagitan ng pagbibigay kalayaan sa pagpili. Pangalawa, ang
kahirapan ay may maraming mga kadahilanan, hindi lamang ang katiwalian na
pangunahing pinaniniwalaan natin, at kinikilala ito ng RH Bill. Sa Filipinas
ngayon, alam nating lahat na maraming tao ang nalulubog sa kahirapan. Isa ito sa mga rason kung bakit
importante ang RH Bill – pinipigilan at kinokontrol nito ang problema natin sa overpopulation sa pamamagitan ng
pagkontrol ng panganganak ng marami lalo na sa mga mahihirap na pamilya. Pangatlo, binibigyan ng RH Bill ang
mga mag-asawang mahihirap ng pagpipilian para sa pagpaplano ng pamilya(responsible parenting) na maaring
makatulong sa pamumuhay ng ina at mga anak. Pang-apat, ang RH Bill ay nagsasaad
ng mandatoryong sex education mula
Grade 5 hanggang sa ika-4 na taon sa hayskul. Importante ito para sa atin kasi
para mas maliwanagan ang mga kabataan natin ngayon sa mga bagay-bagay na
maselan. Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay pumapasok na
sa mga romantikong relasyon at baka dahil lang sa isang maling sekswal na
desisyon, maraming mga batang babae at lalaki ang maaaring mawalan ng kanilang
kinabukasan at kung minsan ang kanilang buhay. Marami ding mga estudyante ang nagsasabing
mas okey kung sa paaralan ituturo ang sex
education kasi mas naiintindihan nila ito at mas hindi nakakahiyang
pag-usapan kesa sa kung mga magulang ang kausap.
Sa
tingin ko marami na din naman akong nasabi tungkol sa opinyon ko sa RH Bill. Sa
pananaw ko, kailangan talaga pag-isipan ng mabuti kung ikaw ba ay sang-ayon or
hindi sa RH Bill. Dapat iriserts ng maigi kung ano ba talaga ang ibig sabihin
ng RH Bill at huwag magpapaniwala sa mga hindi naman makatotohanan na mga datos
at huwag magpadala sa kung ano ang sasabihin ng iba. Dapat pag-aralan at isipin
ng maayos ang tungkol sa pagpili ng iyong desisyon dahil sa pagtatapos ng araw,
ang desisyon ay wala sa iba kundi ito’y nasa iyong mga kamay. Kaya kung tatanungin kita, sang-ayon
ka ba o hindi?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento